To leave this site quickly, click the Quick Exit button below. Learn about Quick Exit button here. If you don’t want your browser history saved, please open incognito browsing mode. Learn about incognito mode here. If you're in immediate danger, please call 000.

Tagalog - Ano ang 1800RESPECT?

Ang pagtugon sa karahasan at pang-aabuso ay tungkulin ng lahat ng tao. Ang 1800RESPECT ay isang pambansang serbisyo sa seksuwal na panghahalay (sexual assault) at karahasan sa tahanan at pamilya. Ang 1800RESPECT ay para sa mga biktima/nakaligtas (survivor), pamilya at mga kaibigan at mga taong nagtatrabaho para dito. Nagbibigay kami ng pagpapayo sa telepono, pagpapayo online at ang aming website ay may impormasyon, payo at mga opsiyong nagmumungkahi sa mga lokal na serbisyo. Maaari mong mahingan ng tulong ang lahat ng mga ito sa pamamagitan ng website na ito o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1800 737 732.

Nagpupunyagi ang 1800RESPECT sa pagpapatibay sa mga karapatan ng lahat ng mga Australyano na tumira sa isang lipunang di-marahas. Kung nakaranas ka o nasa panganib ng seksuwal na panghahalay o karahasan sa tahanan o pamilya, makakatulong kami. Makakatulong rin kami kung ikaw ay nagsusuporta sa mga biktima/nakaligtas (survivor) o nagtatrabaho sa sektor na ito.

Kumuha ng tulong

Ang 1800RESPECT ay may mga tagapayo sa telepono at online na naroroon upang tumulong. Makakatulong ang mga tagapayo sa:

  • impormasyon at suporta,

  • pagsangguni sa isang serbisyo,

  • payo at tulong kung ano ang susunod na gagawin, at

  • paggawa ng isang planong pangkaligtasan.

Kumuha ng impormasyon

Ang website 1800RESPECT ay mayroon ring malinaw at hindi kumplikadong impormasyon. Naglalaman ito ng impormasyon na tutulong sa iyong makilala ang mga palatandaan ng pang-aabuso at karahasan, paggawa ng planong pangkaligtasan at makahanap ng mga serbisyong pansuporta. 

Impormasyon at suporta para sa pamilya at mga kaibigan

Magagamit ng mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan ang 1800RESPECT. Kung nag-aalala ka tungkol sa isang mahal sa buhay, bata o kasamahan sa trabaho, makakatulong ang 1800RESPECT.

Kapag sinabi sa iyo ng isang tao na nakaranas sila ng karahasan sa tahanan o pamilya o seksuwal na panghahalay, maaaring nakakayanig ito, at maaaring mararamdaman mong hindi ka sigurado kung ano ang sasabihin at gagawin mo.  Nagbibigay ang 1800RESPECT ng impormasyon at mga dulugan upang makakapagbigay ng suporta ang pamilya at mga kaibigan. Maaaring makatawag ang pamilya at mga kaibigan ng isang tagapayo at talakayin ang sitwasyon, magtanong ng mga tanong at kumuha ng karagdagang impormasyon. Ang website ay may impormasyon para sa sinumang nakakaranas ng karahasan, o seksuwal na panghahalay, at may mga madaliang ugnay sa mga karaniwang mga tanong at mga serbisyo sa bawat estado. Mayroon ring impormasyon sa kung paano gumawa ng planong pangkaligtasan.

Ang pagsusuporta sa mga tao ay maaaring nakaka-stress, at ang mga epekto nito ay maaaring maramdaman sa mahabang panahon. Nariyan ang 1800RESPECT upang suportahan ang pamilya at mga kaibigan, pati na rin ang biktima/nakaligtas.

Impormasyon at suporta para sa taong nagtatrabaho at mga propesyonal ng sektor na ito

May isang dedikadong seksiyon ng website para sa mga taong nagtatrabaho at mga propesyonal ng sektor na ito. May impormasyon sa karahasan sa pamilya at tahanan, impormasyon sa seksuwal na panghahalay, impormasyon sa mandatoryong pag-uulat at trauma na dulot ng trabaho (work-induced trauma).

Ang ilang mga estado at teritoryo ay may mga batas sa mandatoryong pag-uulat sa mga kaso ng karahasan sa tahanan at pamilya. Ang lahat ng mga estado at teritoryo ay may mandatoryong pag-uulat kapag ang mga bata ay nakakaranas ng seksuwal na panghahalay, pisikal na abuso o kapabayaan. Ang website ay may impormasyon upang makatulong sa mga taong nagtatrabaho na maunawaan kung kailan nila kailangang kontakin ang pulis at/o mga serbisyo sa pagprotekta ng bata.

Ang pagtulong sa ibang tao ay trabahong nagbibigay-lugod, pero ito ay nangangailangan rin ng labis na pagsisikap. Nangangailangan ito ng pakikiramay at pagkahabag. Ang mga taong nagtatrabaho at mga propesyonal na nasa harapang linya na palaging nakakakita sa mga epekto ng trauma ay maaaring maapektuhan rin paminsan-minsan sa kanilang trabaho. Ang mga taong nagtatrabaho sa sektor na ito ay maaaring makahingi ng tulong sa linya ng pagpayo ng 1800RESPECT upang makakuha ng suporta. 

Paano makikipag-ugnay

Maaari mong mahingan ng tulong ang 1800RESPECT sa pamamagitan ng ilang paraan. Humiling ng tulong sa serbisyo sa telepono sa pamamagitan ng pagtawag sa 1800 737 732 (mayroong mga tagasalinwika). Gamitin ang National Relay Service para sa ibang mga serbisyong mahihingan ng tulong.

Maaaring mas ligtas para sa iyo ang online na pagpapayo. Hingan ng tulong ang serbisyong online na pagpapayo sa pamamagitan ng homepage ng 1800RESPECT. Live ang online na pagpapayo. Makikipag-usap nang direkta sa iyo ang tagapayo. Upang gamitin ang 1800RESPECT online, isara ang ‘popup-blocking’ (pagharang ng popup) sa iyong web browser. Kailangan mo ng maaasahang koneksiyon sa internet.

Kung mas gusto mo ang pagpapayong harapan o sa telepono, maaari mo itong hilingin sa pamamagitan ng website.

Upang mahingan ng tulong ang website, pumunta sa 1800RESPECT

 

Sa sitwasyon ng agarang panganib, tumawag sa 000 para sa tulong ng pulis.

Upang magsagawa ng tawag pang-emerhensiya gamit ang TTY o ang National Relay Service, tingnan ang Calls to emergency services

 

Paggamit sa Pagpapayo sa Telepono nang may tagasalinwika ng TIS

Ang 24/7 teleponong Translators and Interpreters Service (TIS National) ay magagamit nang libre nang sinuman na gustong kontakin ang 1800RESPECT. Upang ma-areglo ito: Tawagan ang 1800RESPECT sa 1800 737 732 at humiling ng isang tagasalinwika. Magtatakda ang mga tagapayo ng mga pag-aareglo, o Tumawag sa TIS sa 131 450 at hilingin sa kanilang kontakin ang 1800RESPECT.

TIS

 

Tungkol sa karahasan sa tahanan at pamilya

Ano ang karahasan sa tahanan at pamilya? Ang pag-unawa sa karahasan sa tahanan at pamilya ay makakatulong sa iyong tumugon.

Tungkol sa karahasan sa tahanan at pamilya

 

Developed with: Ethnic Child Care, Family and Community Services Co-operative